skip to Main Content
Buwan Ng Wika Agosto 2020

Buwan ng Wika Agosto 2020

Ang wika ay isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa kung kaya’t napakahalagang ito ay pagkaingatan at mahalin ng bawat mamamayang Filipino. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, sinisikap ng ating pamahalaan katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon na mapanatiling buhay at maalab ang ating pagmamahal sa sarili nating wika kung kaya’t taun-taon ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing buwan Agosto bilang pagpupugay na rin sa Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.

Sa patuloy na paglilingkod sa panahon ng krisis pangkalusugan, isasagawa na ng Komisyon sa Wikang Filipino ang libreng Seminar sa Korespondensiya Opisyal (SKO) sa online na espasyo para sa mga kawani ng pamahalaan.

Tampok sa SKO ang pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa at paghahanda ng opisyal na korespondensiya gámit ang wikang Filipino.
Magkakaroon ng intensibong pagtuturo.

https://kwf.gov.ph

Back To Top